Album Cover Ikaw

Ikaw

Yeng Constantino

4

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko

Hindi ko mahinto, pintig ng pusoIkaw ang pinangarap-ngarap ko

Simula nang matanto

Na balang araw, iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo′y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko′y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo

Ang pag-ikot ng mundo

Ngumingiti nang kusa aking puso

'Pagkat nasagot na ang tanong

Kung nag-aalala noon

Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo′y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya′t pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa ′ko umibig nang gan'to

At nasa isip, makasama ka habang-buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo′y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko′y ikaw

(Ikaw ang pag-ibig na hinintay)

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko′y ikaw

Pag-ibig ko′y ikaw