Album Cover Gubat

Gubat

Teeth

3

Sa kagubatan may liblib na lugar

Nagkalat ang ahas tuklaw ng kamandag

Naghanap ng landas nilakad ang gubat

Araw ang lumipas 'di na nakalabas

May mga bagay na nagbago sa ating paglalakbay

Dating sigla at ligaya napawi ng lumbay

Tumayong nagiisa hinihintay ang wakas

Dito sa masukal na gubat

Yapak ang paa tuloy ang paglakad

Nagsugat sa talahib at damong makamandag

Sa kagubatan maraming nawawala

Sanga-sangang daan saan ka pupunta