Album Cover Pasilyo

Pasilyo

SunKissed Lola

7

Palad ay basang-basa

Ang dagitab ay damang-dama

Sa ′king kalamnang punong-punoNg pananabik at ng kaba

Lalim sa 'king bawat paghinga

Nakatitig lamang sa iyo

Naglakad ka nang dahan-dahan

Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan

Hahagkan na′t 'di ka bibitawan

Wala na 'kong mahihiling pa

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

′Di maikukumpara

Araw-araw kong dala-dala

Paboritong panalangin ko′y

Makasama ka sa pagtanda

Ang hiling sa Diyos na may gawa

Apelyido ko'y maging iyo

Naglakad ka nang dahan-dahan

Sa pasilyo tungo sa ′kin

At hinawakan mo ako't aking ′di napigilang

Maluha nang mayakap na

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw

Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw)

Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw)

Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw)

Ikaw at ikaw (ikaw at ikaw, ikaw at ikaw)

(Ikaw at ikaw) palad ay basang-basa, ang dagitab ay damang-dama

(Ikaw at ikaw) sa 'king kalamnang punong-puno

(Ikaw at ikaw) ′di maikukumpara, araw-araw kong dala-dala

(Ikaw at ikaw) paboritong panalangin ko'y ikaw