Album Cover Leonora

Leonora

Sugarcane

5

′Tong alay kong harana, para sa dalagang

Walang kasingganda, amoy-rosas ang halimuyak

Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang'Di hahayaang mawala pa

′Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa

Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan

Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha

Hiling ko lang naman na

Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa

Papatunayang ang unang pag-ibig ay 'di mawawala

Nakailang tula na, ba′t tila ′di napupuna?

Ang tangi kong hiling, hanggang dulo, ikaw ang kapiling

Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman

Hinding-hindi na papakawalan kailanman

Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na? (Hinahanap-hanap ka, whoa)

Ba′t sa 'ting dal′wa, ako na lang natira? (Sana'y magkita pa)

Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?

Handang tahaking mag-isa kahit wala ka na

Kung nasa′n ka man, nawa ay masaya ka na (palalayain ka, whoa)

Kahit na 'di na tayo magsasama pa (mahal pa rin kita)

Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka

Oh, Leonora kong sinta, ah