Album Cover Kriminal

Kriminal

O.C. Dawgs

6

Flip-D on the beat, Panty Droppaz League

Kamusta? Tuloy ka, halika na, pare, ′wag kang mahiyang pumasokPasensiya ka na sa bahay ko, medyo madumi at nakakasulasok

Balak ko sanang maglinis, kaso dumating ka, hindi na umabot

May alak ka bang dala? Wala kasi akong pang-inom, 'di ko pa sahod

′Wag kang matakot, papasukin mo 'yung iba mong kasama

'Ka mo sa kanila, madilim na′t delikado na diyan sa kalsada

Ako ang bahala sa kanila, hindi sila mapapahamak

Paupuin mo sila sa sofa, tapos paikutin mo ′yung dala mong alak

Isarado mo ang pinto, may gagawin ako

'Wag kayong aalis sa kwarto, may kukunin lang ako

Kailangan pagbalik ko ay nandidiyan pa rin kayo

Kasi hindi lang kayo ang tao mamaya, may bisita rin ako

′Taas ang kamay at walang kikilos nang masama

Kung ayaw niyong isa sa inyo ang tumumba at isa sa inyo ang dumapa

Lahat ng ito ay plinano ko, una pa lang, hindi niyo ba nahahalata?

Humanda na kayong mamatay sa kamay ko, ngayon ay wala na kayong kawala, wa

Nandito na kami, asa'n na sila? Lumalalim na ang gabi

Handa na ang lahat, walang ititira, kasi kapag ako ang bumira, walang matitira, tabi

′Taas lang ang kamay, akin na 'to, ′wag ka nang pumalag, buwaka ng ina mo

Ibigay mo na lahat, ako nagsabi sa 'yo, 'wag ka nang magmakaawa, ina mo

(At, at, at) ano, isa ka pa? Sige, gumalaw ka ng kakaiba

Hindi na ako magbabago ng isip, kasi mamaya, ′susunod na kita

Susunugin ka ng nagbabagang apoy, hanggang sa mangamoy ang iyong katawan

Sa dugo′y lalangoy, at kawawa ka, boy, namatay ka nang walang nakakaalam

Ako na ang bahala, wala nang konsensiya kahit pa na magmakaawa (awa)

Gagawin ko 'to sa harapan nila kahit na sa paningin mo′y 'di tama (tama)

Takpan mo ang bunganga, ′wag ka nang magsalita, kung 'di mo masikmura

′Di ka na makakatakas sa 'kin kahit na ikaw pa ay magmaka-awa

Sumigaw ka man nang malakas, wala nang makakarinig sa labas

Lahat ng kasama mo, nakahandusay na, pinabuhusan ko na din ng gas

Konting oras na lang, matatapos na din ang ating palabas

Malinis nang pagkakaplano na kahit na sino ay walang makakatuklas