Album Cover Narda

Narda

Kamikazee

4

Tila ibon kung lumipad

Sumabay sa hangin, ako′y napatingin

Sa dalagang nababalot ng hiwaga

Mapapansin kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa?

Kung kaagaw ko ang lahat

May pag-asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag-ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan

Nag-aabang sa langit

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala

Kahit sulyap lang, Darna

Ang suwerte nga naman ni Ding

Lagi ka n′yang kapiling

Kung ako sa kanya, niligawan na kita

Mapapansin kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa?

Kung kaagaw ko ang lahat

May pag-asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag-ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan

Nag-aabang sa langit

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala

Kahit sulyap lang, Darna

Tumalon kaya ako sa bangin

Para lang iyong sagipin?

Ito ang tanging paraan para mayakap ka

Darating kaya (darating kaya?)

Sa dami ng ginagawa? (Sa dami ng ginagawa)

Kung kaagaw ko sila

Paano na kaya?

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag-ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan

Nag-aabang sa langit

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala

Kahit sulyap lang, Darna

Nag-aabang sa langit

Sa mga ulap sumisilip

Sa likod ng mga tala

Kahit sulyap lang, Darna