Album Cover Di Na Muli

Di Na Muli

Janine Teñoso

4

Nung araw kay tamis ng ating buhay

Puno ng saya at ng kulay

′Di mauulit muli

Ang oras kapag hinayaang lumipas

Madarama mo hanggang bukas

'Di mababawi muli

Ang dami-daming bagay na hindi naman kailangan

Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan

Hindi mo lang alam, hindi mo pa nararanasan

Kahapon sana natin, ′di mo na pinahirapan

Patawad muli

'Di na muli

Ang oras kapag hinayaang lumipas

Madarama mo hanggang bukas

'Di mababawi muli

At natapos ang himas ng sandali

′Di kukubli aking tinig

Nang lumipas na′t 'di man lang nasabi

Salamat hanggang sa muli

Ang dami-daming bagay na hindi naman kailangan

Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan

Hindi mo lang alam, hindi mo pa nararanasan

Kahapon sana natin ′di mo na pinahirapan

Patawad muli

'Di na muli

Binawi ang buhay mo nang walang sabi

Binubulong ko sa sarili

Mahal kita hanggang sa huli

Mahal ko hanggang sa huli

Mahal ko hanggang sa huli

Mahal ko hanggang sa huli

Mahal ko hanggang sa huli