Album Cover Sirena

Sirena

Ebe Dancel

3

Ako′y isang sirena

Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

Ako′y isang sirenaKahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, sa ′ki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sa ′kin kayo ay bibilib

Simula pa nang bata pa ako

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya parang lahat ay nalilito

Magaling sa Chinese garter at piko

Mga labi ko'y pulang-pula

Sa bubble gum na sinapa

Palakad-lakad sa harapan ng salamin

Sinasabi sa sarili, "Ano′ng panama nila?"

Habang kumekembot ang bewang

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa

Sa t′wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan

Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan

Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

Ang puso kong mapagmahal, parang pilik-matang kulot

Ako′y isang sirena

Kahit ano′ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit ano′ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, sa 'ki′y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako

Teka muna, mali, dalaga na pala 'to

Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?

Ano ba′ng mga problema n′yo?

Dahil ba ang mga kilos ko'y iba

Sa dapat makita ng inyong mata?

Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala

Kahit ′di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa

Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano′n na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

"Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway

′Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"

Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

Ako′y isang sirena

Kahit ano′ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit ano′ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, sa 'ki′y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon

Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita

"Kakain na po, Itay, nakahanda na′ng lamesita"

Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang

Ngayo′y buto't balat ang dating matipunong katawan

Kaya sa ′yong kaarawan, susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan

Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer

Kasi dahil ang tagapag-alaga mo′y naka-duster

Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

Ako sa ′yong tabi, ika'y tumangan, kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso, sa ′ki′y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

Ako′y isang sirena

Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko′y 'di tutumba

Lagu lain oleh Ebe Dancel