Album Cover Nais Ko

Nais Ko

Christian Bautista

6

Nang makita ka'y 'di ko malaman

Saan ka galing, sa'n paroroon

Nakuha mong kausapin ang aking pusong

Nakakulong

Ilang araw, ilang buwan ang dumaan

Tayo'y naging tunay na magkaibigan

Kahit malayo ka'y parang nand'yan ka rin

Sa aking piling, o, may lihim

[Chorus:]

Nais kong sabihin sa iyo

Mahal kita, 'di kita iiwan

Nais kong yakapin kang mahigpit

Kailanman ay 'di kita pababayaan

Mahal ko, mahal ko

Mga larawan mo'y nasa paligid

Minamasdan at hinahagkan

At habang lumilipad ang aking puso

May binabanggit, may sinasambit

[Chorus:]

Nais kong sabihin sa iyo

Mahal kita, 'di kita iiwan

Nais kong yakapin kang mahigpit

Kailanman ay 'di kita pababayaan

Mahal ko, mahal ko