Album Cover Laro

Laro

Autotelic

6

Puso natin ay patintero sa ulan

Pagsasama natin ay tagu-taguan

Langit ka, ako naman ang nasa lupa

Lulukso, baka sakaling abutin

Buntong-hininga

′Di ba, ang sarap makipaglaro?

Laro tayo ng mataya-taya, mataya-taya

Pagkabilang ng tatlo, takbo tayo papalayo

Mataya-taya, mataya-taya

Isa, dalawa, tatlo, iiwanan mo ako

Ngayong ako naman ang kontrabida

Sa tagpuang ito, ikaw naman ang tatakbo

Buntong-hininga

'Di ba, ang sarap makipaglaro?

Laro tayo ng mataya-taya, mataya-taya

Pagkabilang ng tatlo, takbo tayo papalayo

Mataya-taya, mataya-taya

Isa, dalawa, tatlo, iiwanan mo ako

Dadayain (dadayain)

Dadayain (dadayain ko)

Kakayanin (kakayanin)

Kakayanin (kakayanin ko)

Buntong-hininga

′Di ba, ang sarap makipaglaro sa 'yo?

Buntong-hininga

'Di ba, ang sarap makipaglaro?

Laro tayo ng mataya-taya, mataya-taya

Pagkabilang ng tatlo, takbo tayo papalayo

Mataya-taya, mataya-taya

Isa, dalawa, tatlo, iiwanan mo ako

Dadayain, dadayain ko (mataya-taya, mataya-taya)

Dadayain, dadayain ko (mataya-taya, mataya-taya)

Dadayain, dadayain ko (mataya-taya, mataya-taya)

Dadayain, dadayain ko (mataya-taya, mataya-taya)

Mataya-taya, mataya-taya