Album Cover Ikaw

Ikaw

Autotelic

6

Hanggang ngayon, patuloy ang pag-ikot

Mga katanungang wala pa ring sagot

Halos libutin na ang buong mundoAt parang walang pagbabago

Saan man mapunta

Laging nag-iisa

Nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin

May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin

Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata

Bakit ikaw pa rin?

Ikaw pa rin

Ikaw pa rin

Bumubulong sa akin ang hangin

Isigaw ko raw ang pangalan mo

Hanggang kailan itatago?

Mabubuhay sa pagkakaila′t pagsisisi

Magsisinungaling na nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin

May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin

Mula sa pagsara hanggang sa pagmulat ng mga mata

Bakit ikaw pa rin?

Maaari bang mahiram ang sandali?

Wala naman tayong dapat sabihin

Masilayan lang at maramdaman

At sa sarili, ako'y magsisinungaling

Ikaw pa rin (nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin)

Ikaw pa rin (may nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin)

Ikaw pa rin, ikaw pa rin (mula sa pagsara)

Ikaw pa rin, ikaw pa rin (hanggang sa pagmulat ng mga mata)

Ikaw pa rin (bakit ikaw?)